PBA Partylist Mula Noon Hanggang Ngayon

PBA Partylist Mula Noon Hanggang Ngayon
Naglilingkod para sa mga Pilipinong Atleta at sa Sambayanan!!!!

Huwebes, Hunyo 9, 2011

FLY-BY-NIGHT DRUG TESTING CENTERS PINABUBUWAG NG PBA PARTYLIST

HINILING ng mga mambabatas sa Department of Health (DoH) at Land Transportation Office (LTO) na hulihin ang mga “fly-by-night” drug testing centers na nambibiktima ng aplikanteng kumukuha ng driver’s license.

Ayon kay Tarlac Rep. Jeci Lapus may 1,500 iligal na drug testing centers sa buong bansa. “Nangongolekta lamang sila ng  pera mula sa
aplikante.”

“May mga insidente na hindi sinusuring mabuti ang urine samples ng aplikente. Basta nakabayad sila ng examination fee,” wika ni Lapus.

Sinabi naman ni  PBA party-list Rep. Mark Aeron Sambar na kailangang imbestigahan ng DoH at LTO kung ang mga drug testing centers ay kumpleto sa tamang pasilidad. “Paano mapipigilan ang pagkakaroon  ng negatibong resulta kung mayroong mga huwad na drug testing centers.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento